Saturday, January 9, 2010

Isang Panalangin

ang bawat salitang ipinunla
at pilit na pinagtutugma
upang maging isang tula
ay laan lamang sa'yo Ama

nais kong magpasalamat
ngayong araw ako'y namulat
ng may ngiti sa aking mukha
tanda ng dusang napawi na

sa hapag-kainan may tinapay
upang humaba ang aking buhay
ito ay aking kakanin
kasabay ng isang panalangin

na kami'y lagi mong gabayan
sa pagtahak ng bawat daan
na maputik man at malubak
ay tatawirin namin ng buong galak

No comments:

Post a Comment