Ang mga taong dati’y walang pakialam
Ngayon ay siyang nagmama-alam
‘Pagkat nalalapit na ang halalan
Mistulang mga payaso
Na nag-aagawan sa pwesto
Puro banat sa kalaban kesyo ganito kesyo ganyan
Para lang manalo sa halalan
Ang lahat nagpapapogi
Para lamang magwagi
Umaa-asang maloloko ang taong bayan
Sabik sa kapangyarihan
Ang iba nating kababayan
Kung kaya’ta ayaw patalo sa halalan
Ano nga ba ang meron sa mga upuan
At nag-uunahan at nagpapatayan
Para lamang manalo sa halalan
Yaman ba ng bayan ang tanging inaasam
Na lulustayin para sa sarili lamang
Kapag sila’y nanalo sa halalan
Kilalanin nating mabuti
Kilatisin ng maigi ang bawat kandidato
Sa darating na halalan
Tayo’y ‘wag sanang magpagoyo
Nang hindi tayo magsisi
‘Pag mangga-gantso ang nanalo sa halalan
Yeah! I agree with you there, we need to vote wisely and I also hope for a clean and safe election this 2010.
ReplyDelete-pia-
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Ramon_N._Guico%2C_Jr